DSWD: P22.7-M na tulong ang naibigay sa mga biktima ng ‘Karding’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules na naglabas ito ng mahigit PHP22.7 milyon na relief assistance sa mga biktima ng Super Typhoon Karding.

As of Sept. 28, it has provided more than PHP22.7 million worth of food and non-food items (FNIs) as resource augmentation to concerned local government units (LGUs),” isinaad ng ahensya sa ulat nito.

Ang DSWD, sa pamamagitan ng kanilang field offices (FOs), ay nagbigay din ng cash assistance na nagkakahalaga ng kabuuang PHP2.73 milyon sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Sa halagang ito, ang pinansiyal na tulong na nagkakahalaga ng PHP5,000 ay ibinigay sa bawat isa sa 475 na pamilya sa lalawigan ng Aurora at 69 na pamilya sa lalawigan ng Quezon na may bahagyang nasira na mga bahay at PHP10,000 sa isang pamilya na ang bahay ay ganap na nasira sa Kabayan, Benguet.

Nag-airlift at naghatid din ang DSWD ng mga family food packs (FFPs) at iba pang relief items sa mga lugar na mahirap abutin sa lalawigan ng Quezon at iba pang malalayong komunidad na naapektuhan ng bagyo.

Samantala, pinasalamatan naman ng DSWD ang Maynilad sa kanilang donasyon ng humigit-kumulang 1,500 piraso ng bottled water na ipapamahagi sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo sa Aurora at Quezon province.

Nag-donate din ang International Organization for Migration (IOM) ng humigit-kumulang 3,000 piraso ng tarpaulin para ihatid sa mga komunidad sa San Fernando, Pampanga, at Real, Quezon.

Mahigit PHP103.01 milyong Quick Response Fund sa DSWD Central Office, PHP43.08 milyon sa DSWD FOs sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, National Capital Region, at Cordillera Administrative Region at PHP40.33 milyon sa iba pang DSWD FOs ay magagamit pa rin upang suportahan ang mga relief operation para sa mga komunidad na naapektuhan ng bagyo.

Patuloy na makikipag-ugnayan ang DSWD sa mga kinauukulang LGU para matukoy ang iba pang serbisyong kailangan ng kanilang mga nasasakupan para makabangon mula sa epekto ng bagyo.

Panalangin para sa mga biktima ng bagyo

Samantala, nagpahayag naman ng pakikiramay ang Archdiocese of Manila sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa bagyo.

We pray for all those who have been devastated, hurt, lost their lives, and lost their livelihoods. We sympathize with the families who have lost loved ones,” wika ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa isang panayam sa Radio Veritas na pinapatakbo ng simbahan.

We hope that many good people will be generous so they (people affected) can recover from this calamity,” dagdag ng arsobispo ng Maynila.

Umapela siya sa mga tao na protektahan ang kalikasan upang maiwasan ang pagbabago ng klima.

Disasters like this remind us of our duty to preserve and protect the nature that the Lord has given us. By taking care of nature, we also benefit,” wika ni Advincula.

Kinilala rin ng NASSA Caritas Philippines ang limang rescuer ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na namatay matapos tangayin ng tubig baha sa bayan ng San Miguel.

LATEST

LATEST

TRENDING