OCTA: NCR Covid-19 positivity rate muling tumaas, maaaring malampasan ang nakaraang peak

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ng independent research group na OCTA na ang lingguhang Covid-19 positivity rate sa Metro Manila ay tumaas sa 14.5 porsiyento noong Setyembre 14, mula sa 12.7 porsiyento noong Setyembre 7.

Sa isang update na ibinahagi sa Twitter nitong Biyernes, Setyembre 16, sinabi ng OCTA Research fellow na si Dr. Guido David na ang dating peak sa positivity rate sa Metro Manila sa kasalukuyang Covid wave ay naitala noong Agosto 5 sa 17.5 porsiyento.

There is a possibility that this current resurgence will exceed this number,” wika ni David.

Ang Covid-19 positivity rate na inirerekomenda ng World Health Organization ay dapat manatili sa 5 porsiyento o mas mababa upang masabi na ang pagkalat ng virus ay kontrolado.

Idinagdag ni David na ang isang linggong growth rate ng mga bagong kaso sa Metro Manila ay tumaas sa 18 porsiyento mula sa -4 porsiyento noong nakaraang linggo.

The rise in cases in the NCR (National Capital Region) is likely to cause a corresponding rise in infections in nearby regions. Rizal and Bulacan are currently on an uptrend,” wika ni David.

Bukod dito, ang reproduction number ng Metro Manila—ang average na bilang ng pangalawang impeksyon ng bawat nahawaang indibidwal—ay 1.14 noong Setyembre 12, na lumampas sa 1.03 noong Setyembre 5.

Sinabi ni David na ang average daily attack rate sa Metro Manila ay nasa 6.12 kada 100,000 populasyon, na itinuturing na “moderate.”

Ang paggamit ng pangangalagang pangkalusugan para sa mga kaso ng Covid-19 sa Metro Manila ay tumaas din mula sa 36 porsiyento, na may 2,319 na kama ang okupado, noong Setyembre 5, hanggang 39 porsiyento, na may 2,522 na kama ang okupado, noong Setyembre 14.

Ang intensive care unit (ICU) occupancy ay tumaas din mula sa 24 porsiyento, na may 243 ICU beds na okupado, sa 33 porsyento, na may 358 ICUs na inookupahan, sa parehong panahon ng pagsubaybay.

Gayunpaman, ang mga ito ay itinuturing pa rin na “mababa,” sabi ni David.

LATEST

LATEST

TRENDING