DBM: Wastong pagpapatupad ng mga programa ng DA, siniguro sa ilalim ni Marcos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Naniniwala si Budget Secretary Amenah Pangandaman na magagamit ng maayos ng Department of Agriculture (DA) ang iminungkahing badyet na PHP184.1 bilyon para makamit ang mga layunin sa seguridad ng pagkain sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Inanunsyo ni Marcos noong Hunyo na uupo rin siya bilang kalihim ng agrikultura upang ipakita sa mga Pilipino na ang agrikultura ay inilalagay sa “mataas na priyoridad.”

With the new leadership of the Department of Agriculture, we believe they’d be able to disburse and absorb the levels that we have provided,” sinabi ni Pangandaman sa Day 2 ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) Senate briefing.

Bilang bahagi ng pagsisikap na palakasin ang agriculture output sa bansa, sinabi niya na ang DBM ay naglaan ng PHP10 bilyon para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Eksklusibong ginagamit ang RCEF para pondohan ang mga programang magpapatalas sa pagiging mapagkumpitensya ng mga nagtatanim ng palay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng madaling access sa pataba, makinarya at kagamitan sa sakahan, mga buto na may mataas na ani, at murang pautang; at sa pamamagitan ng pag-aalok sa kanila ng mga skills training program sa mekanisasyon ng sakahan at mga modernong pamamaraan sa pagsasaka.

Sa ilalim ng RCEF, kalahati ng budget ay ilalaan sa farm mechanization habang ang natitirang pondo ay para sa rice seed development, propagation, at promotion (30 porsiyento); pinalawak na tulong sa kredito (10 porsiyento); at rice extension services (10 porsiyento).

Nauna nang nagpahayag si Marcos ng pag-asa na ang gobyerno ay lalong palalakasin ang kita ng mga lokal na producer ng bigas kasama ang RCEF.

Samantala, naglaan din ang DBM ng PHP1 bilyon para sa fuel assistance sa mga magsasaka at mangingisda sa susunod na taon.

Sa PHP1 bilyong tulong sa mga magsasaka at mangingisda, kabuuang PHP510.45 milyon ang inilalagak sa ilalim ng badyet ng DA para sa mga magsasaka ng mais, habang PHP489.6 milyon naman para sa mga mangingisda.

The [fiscal year] 2023 budget for assistance in the agriculture sector is doubled from PHP500 million this year. Of course, providing better support to our producers is vital in achieving food security which is one of the near-term goals of the administration,” wika ni Pangandaman.

Ang proposed budget ng DA na PHP184.1 billion ay mas mataas ng 39.2 porsiyento kumpara sa 2022 allocation.

Nauna nang sinabi ni Pangandaman na ang pagtaas na ito ay alinsunod sa “direktiba ng Pangulo na unahin ang sektor ng agrikultura upang pasiglahin at baguhin ito mula sa pagiging isang huli sa ekonomiya tungo sa isa sa mga pangunahing nagtutulak sa paglago at trabaho.”

LATEST

LATEST

TRENDING