Bagyong Nanmadol papasok sa PAR ngayong Biyernes

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Maaaring pumasok ang Bagyong Nanmadol sa Philippine Area of Responsibility bandang Biyernes ng tanghali ngunit walang direktang epekto ang bagyo sa bansa, inihayag ng state weather bureau PAGASA.

Huling namataan ang Nanmadol sa layong 1,530 kilometro silangan ng hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon na may peak wind na 140 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kph.

Pakanluran sa bilis na 15 kph, inaasahang papasok ang bagyo sa PAR bandang tanghali, sabi ni weather specialist Benison Estareja. Tatawagin itong “Josie” kapag nakapasok na ito sa hurisdiksyon ng bansa.

Ang Nanmadol ay hindi magkakaroon ng anumang direktang epekto sa bansa dahil ito ay inaasahang mananatiling malayo sa kalupaan ng bansa. Inaasahang aalis din ito ng PAR Biyernes ng gabi.

Ang bagyo, gayunpaman, ay nagpapalakas ng habagat. Ang habagat ay nakakaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at kanlurang bahagi ng Mindanao, sabi ng PAGASA.

Ang mga residente ng MIMAROPA, Bicol region, at Western Visayas ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat.

Ang habagat ay magdadala din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING