SRA inaprubahan ang pag-aangkat ng 150K metric tons ng refined sugar

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nakatakdang mag-import ang Pilipinas ng 150,000 metric tons ng refined sugar, ayon sa Sugar Order No. 2 (SO 2) ng Sugar Regulatory Administration (SRA).

Ang pag-import ng asukal ay bubuuin ng 75,000 metric tons ng refined sugar para sa mga industrial user at ang iba pang 75,000 metric tons para sa mga mamimili.

The intention is that the imported sugar shall be open and available for consumption by all industrial users and consumers,” isinaad nito.

Ang dami ng import ay inaasahang darating sa bansa bago ang Nobyembre 15, kasabay ng panahon ng ani.

Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nag-apruba at lumagda sa nasabing importasyon, bilang kasabay na pinuno ng Agrikultura at SRA board chairperson.

Sina Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban, acting SRA Director David Thaddeus Alba, acting Board Member-Millers’ Representative Ma. Mitzi Mangwag, at acting Board Member-Planters’ Representative Pablo Luis Azcona ay lumagda din sa kautusan.

Ang halaga ng SO 2 ay mas mababa ng kalahati kumpara sa kontrobersyal na inaangkat na 300,000 metric tons ng asukal.

Inilabas din ng SRA ang SO 1, na nagsasaad ng alokasyon ng produksyon ng asukal para sa Crop Year 2022-2023 para sa domestic use. Ang produksyon nito ay inaasahang 1,876,135.36 metric tons, at para sa domestic sugar market.

Inaasahang mapapatatag ang suplay ng asukal sa mga darating na buwan, ayon sa SRA.

LATEST

LATEST

TRENDING