PhilHealth, tinitiyak na may sapat na pondo upang matugunan ang mga pangmatagalang obligasyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa mga miyembro nito na sapat at matatag ang pondo nito para makapagbigay ng mga benepisyo at matugunan ang mga pangmatagalang obligasyon.

Ito ay matapos maiulat na ang PhilHealth ay maaaring magkaroon ng net loss ng PHP57 bilyon, na binanggit ang mga projection mula noong nakaraang taon.

“Ang PhilHealth ay nakapagtala ng PHP32.84 bilyong kita sa taong 2021, mas mataas ng PHP2.8 bilyon mula sa nakaraang taon, matapos maibawas ang PHP140 bilyong bayad para sa benepisyo ng mga miyembro,” sinabi ni PhilHealth officer in charge Eli Dino Santos sa isang pahayag.

Ang mga asset ng PhilHealth ay tumaas ng 27 porsiyento na nagkakahalaga ng PHP347.48 bilyon noong 2021.

Noong Hunyo 2022, umabot sa PHP188 bilyon ang reserbang pondo ng PhilHealth, na 6.7 porsiyentong mas mataas kaysa sa PHP176.6 bilyon noong 2021.

Ang ganitong katayuan sa pananalapi ay nagpapahiwatig na ang pondo ng PhilHealth ay matatag at kayang bayaran ang mga benepisyo ng mga miyembro nito sa mahabang panahon, sabi ni Santos.

“Ang pagtaas ng collection efficiency mula sa direct contributors, national government subsidy para sa premium ng indirect members, at kita mula sa matalinong investments ay nakatutulong upang mapanatiling matatag ang ating pondo,” wika niya.

Ang mga pagbabayad mula sa mga direktang nag-aambag ay binubuo ng isa sa mga pangunahing funding stream para sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law, idinagdag niya.

LATEST

LATEST

TRENDING