PAF: Walang katotohanan sa daily chopper flights ni VP Sara papuntang Davao

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ibinasura ng Philippine Air Force (PAF) nitong Huwebes ang mga pahayag na si Bise Presidente Sara Z. Duterte ay bumibiyahe mula Manila patungong Davao araw-araw gamit ang mga helicopter mula sa 250th Presidential Airlift Wing (PAW).

We can attest to that na hindi po araw-araw ang paggamit ng ating helicopters, tulad po ng sinabing pag-uwi sa Davao, I presume po ang ina-assume nila is travel from Manila to Davao, I myself is a presidential helicopter pilot previously,” isinaad ng tagapagsalita ng PAF na si Col. Ma. Consuelo Castillo, sa isang panayam noong Miyerkules ng gabi.

Idinagdag niya na ang paggamit ng mga helicopter para sa partikular na rutang ito ay hindi praktikal dahil ito ay aabot ng halos kalahating araw at maraming beses na pagpapa-gasolina.

Hindi po talaga rational and practical kung gagamitin ang helicopter natin sa pag-uwi sa Davao araw-araw especially if coming from Metro Manila,” wika ni Castillo.

Samantala, sinabi ni Castillo na ang mandato ng 250th PAW ay ihatid ang Pangulo, mga miyembro ng First Family, mga bumibisitang pinuno ng estado, at iba pang lokal at dayuhang VIP.

And considering that our VP (Vice President) is the second highest leader of the land nararapat lang po na bigyan natin ng suporta ang mga movements ng ating Vice President lalo na if she is acting or performing her mandate on behalf of the President,” wika ni Castillo.

Idinagdag niya na ang lahat ng helicopter at fixed-wing aircraft ng 250th PAW ay magagamit lamang para sa mga opisyal na tungkulin at dapat na awtorisado ng Pangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING