Tropical cyclone posibleng pumasok sa PAR sa Miyerkules ng gabi

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inaasahang papasok ang tropical cyclone sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules ng gabi o Huwebes, inihayag ng weather bureau.

Ang tropical depression, huling namataan sa layong 1,530 km. silangan ng pinaka-hilagang Luzon, ay tinatayang aabot din sa kategoryang tropical storm sa loob ng 36 na oras.

Kapag nakapasok na ito sa PAR, bibigyan ito ng lokal na pangalan, “Inday”.

Posible rin ang patuloy na paglakas habang ang tropical cyclone ay gumagalaw sa ibabaw ng Philippine Sea, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang tropical cyclone, ani PAGASA, ay malabong magdulot ng malakas na ulan at matinding hangin.

Gayunpaman, maaari itong magdulot ng katamtaman hanggang sa maalon na karagatan sa mga tabing dagat ng pinaka-hilagang Luzon sa katapusan ng linggo.

Samantala, mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Palawan, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi sa Miyerkules dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Palawan at Mindanao.

Posible ang mga pagbaha o landslide sa mga lugar na ito dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas ng isolated rain showers dulot ng localized thunderstorms.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin at banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan ang iiral sa buong kapuluan.

LATEST

LATEST

TRENDING