Marcos, nakakuha ng $8.5 bilyong mga business deal mula sa Indonesia trip

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Mag-uuwi si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng humigit-kumulang USD8.48 bilyon (PHP466.6 bilyon) na halaga ng mga business deal mula sa kanyang tatlong araw na pagbisita sa Indonesia, inihayag ng isang opisyal ng Palasyo noong Martes.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang mga kasunduang ito, na na-secure sa roundtable discussion ni Marcos sa mga lider ng negosyo at mga investor ng Indonesia noong Lunes, ay bubuo ng hindi bababa sa 7,000 bagong trabaho.

Sa halagang ito, sinabi niya na nakakuha ang gobyerno ng Pilipinas ng USD7 bilyon sa imprastraktura para sa unsolicited private-public partnerships (PPPs) tulad ng C-5 4-level elevated expressway.

Ang state visit ni Marcos ay nagbunga din ng USD822 milyon sa pamumuhunan sa mga tela, kasuotan, renewable energy, satellite gateway, wire global technology, at agrifood at USD662 milyon sa trade value para sa supply ng coal at fertilizer.

Sa isang press briefing sa Jakarta, sinabi ni Marcos sa mga mamamahayag na ang mga pinuno ng negosyo at mamumuhunan ng Indonesia ay “napaka-masigasig” sa pagsisimula ng mga negosyo sa Pilipinas.

Aniya, nangako rin sila na “palalawakin” ang kanilang pakikilahok sa mga pamumuhunan sa bansa.

Sinabi rin ni Marcos na ang mga talakayan tungkol sa mga kasunduan sa PPP ay ang “pinakamalawak.”

Ang opisyal na pagbisita ni Marcos sa Indonesia ay naganap mula Setyembre 4 hanggang 6.

Bukod sa mga kasunduan sa negosyo, ang kanyang state visit ay nagbunga ng mga kasunduan sa defense cooperation, cultural cooperation, creative economy, at isang plano ng pagkilos para sa kooperasyong bilateral.

Kasalukuyan siyang nasa Singapore upang palakasin ang relasyon sa kalakalan at pamumuhunan ng bansa sa Southeast Asia.

LATEST

LATEST

TRENDING