DOH: Mga close contact ng ika-4 na kaso ng monkeypox, asymptomatic

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ng isang opisyal ng kalusugan noong Miyerkules na ang lahat ng close contact ng ika-apat na kaso ng monkeypox sa bansa ay walang ipinakitang sintomas ng sakit.

Ang ikaapat na kaso, isang 25-anyos na Pilipino na walang dokumentadong travel history sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng monkeypox, ay sumasailalim pa rin sa isang facility-based isolation.

Sa isang press briefing, sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na gumagaling na ang mga sugat ng ikaapat na kaso at walang karagdagang pantal o sintomas ang naobserbahan.

Sa ngayon, nasa 20 close contact ng ikaapat na kaso ang natukoy ng DOH.

[The] Close contacts of fourth case all have no symptoms, four are quarantined, one is self-monitoring, and one is continuously assisting the patient,” wika niya.

Labing-apat sa 20 close contact ay natapos na sa kanilang quarantine at lahat ay walang sintomas.

There are no new infections based on sa ginagawa nating sample collection and testing. Wala pa ho uli nagte-test na positive for the monkeypox,” wika ni Vergeire.

Idinagdag niya na hindi pa rin makumpirma ng DOH kung lokal na kaso ng monkeypox ang pasyente dahil sa kakulangan ng mga detalye.

She added that the DOH is still unable to confirm if the patient is a local case of monkeypox due to lack of pertinent details.

Ang DOH ay patuloy na nagpapaalala sa publiko na ang tamang impormasyon sa mga sintomas at paggamot ng monkeypox ay ang pinakamahusay na tool para maiwasan ito.

Hinihikayat ng ahensya ang publiko na mag-access ng impormasyon tungkol sa monkeypox na makikita sa mga opisyal nitong social media account.

LATEST

LATEST

TRENDING