DBM, tinitiyak ang agarang pagpoproseso ng Covid allowance request

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nangako ang Department of Budget and Management (DBM) nitong Huwebes na pabilisin ang pagproseso ng kahilingang maglabas ng humigit-kumulang PHP63 bilyon para sa probisyon ng One Covid-19 Allowance (OCA).

Sinabi ng DBM na mapapadali nito ang agarang pagpapalabas ng pondo para sa OCA ng mga medical front-liners, kapag naisumite na ng Department of Health (DOH) ang lahat ng documentary requirements.

As long as DOH can address the deficiencies in the documentary requirements, DBM will immediately process the request to release funds, based on available budget,” sinabi nito sa isang pahayag.

Noong Agosto, ilang manggagawang pangkalusugan ang nagpahayag ng pagkadismaya sa pagkaantala sa pamamahagi ng OCA.

Sinabi ng DBM na nakikipag-ugnayan sila sa DOH upang matiyak na matatanggap ng mga healthcare worker ang kanilang mga benepisyo sa Covid-19.

The DBM empathizes with our healthcare workers, and we are working hard with the Department of Health to ensure that they are accorded with the allowances and benefits that they deserve,” wika nito.

Noong Pebrero ngayong taon, naglabas na ang DBM ng kabuuang PHP7.92 bilyon para sa disbursement ng OCA sa humigit-kumulang 526,727 eligible na pampubliko at pribadong healthcare workers (HCWs) at non-HCWs na sangkot sa pagtugon sa Covid-19.

Ang DOH noong Mayo 26 ay humiling muli para sa pagpapalabas ng PHP63 bilyon para sa pamamahagi ng OCA, ngunit nabigong isumite ang lahat ng kinakailangang requirements, sinabi ng DBM.

On June 8, DBM sent them a response letter requesting them to address the deficiencies on the documentary requirements they submitted. Essentially, we requested them to substantiate their request by sending us the budget breakdown, segregation, actual names of claimants, and other relevant documents for us to clearly determine the universe of eligible beneficiaries,” isinaad ng DBM.

Binanggit din ng DBM na nagkaroon sila ng serye ng mga pagpupulong sa DOH upang pag-usapan ang data requirement.

DOH replied to us on July 15, but they were only able to address and substantiate documents that are related to unpaid COVID-19 sickness and death claims for FY (fiscal year) 2020 and 2021 worth PHP570 million, which enabled us to release the same amount in August,” isinaad nito.

Ang pamamahagi ng OCA sa mga medical front-liner ay alinsunod sa Republic Act (RA) 11712.

Sa ilalim ng RA 11712, ang HCWs at non-HCWs ay tumutukoy sa mga indibidwal na nagtatrabaho sa mga pasilidad na medikal at mga lugar ng pagbabakuna, gayundin ang mga sangkot sa mga pagsisikap sa pagtugon sa Covid-19, mga outsourced personnel na nalantad sa Covid-19, o iba pang banta sa kalusugan ng publiko, at mga manggagawa sa kalusugan ng nayon.

Ang bawat HCW at non-HCW ay makakatanggap ng mga benepisyo ng Covid-19 depende sa kanilang antas ng pagkakalantad sa sakit.

Ang mga tatanggap ng OCA na natukoy na nasa mataas na panganib para sa Covid-19 ay makakatanggap ng PHP9,000 buwan-buwan, habang ang mga naka-deploy sa moderate at low-risk na mga lugar ay nararapat sa buwanang benepisyo na PHP6,000 at PHP3,000 ayon sa pagkakabanggit.

Ang benepisyo ay ibibigay sa buong halaga sa HCWs at non-HCWs na pisikal na pumapasok sa trabaho nang hindi bababa sa 96 na oras bawat buwan. Kung hindi, ang benepisyo ay prorated.

LATEST

LATEST

TRENDING