Palasyo: 17.6 milyong PhilIDs ang nakatakdang ihatid

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Humigit-kumulang 17.6 milyong Philippine Identification (PhilID) card ang nakatakdang ihatid sa mga nagparehistro sa buong bansa, inihayag ng Malacañang noong Miyerkules.

Ito, matapos i-turn over ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 17.6 milyong printed PhilIDs sa Philippine Postal Corporation (Post Office), sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

As of August 23, the PSA has transferred to the Philippine Postal Corporation (PhilPost) some 17.6 million physical National ID cards for delivery to the residences of ID applicants,” wika ni Cruz-Angeles sa isang pahayag.

Ang layunin ng PSA ay mag-isyu ng kabuuang 50 milyong PhilID sa pagtatapos ng 2022.

Ang PSA, ani Cruz-Angeles, ay nagpahayag ng kumpiyansa na maabot nito ang target nitong makapaghatid ng humigit-kumulang 30.1 milyong physical PhilIDs at mag-isyu ng 19.9 milyong digital national ID bago matapos ang taon.

The Philippine Statistics Authority is confident that it could meet the year-end target of [releasing] 30.1 million printed national identification cards and the 19.9 million digital ID cards which are printable,” wika niya.

Produksyon ng PhilID, higit sa pang-araw-araw na target

Ipinaalam ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan sa Malacañang na sa nakalipas na 11 araw, ang daily average ng physical cards na ginagawa sa printing facilities ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay 103,000 kada araw.

Ang pang-araw-araw na produksyon ay higit sa pang-araw-araw na target ng PSA, sinabi ni Balisacan sa kanyang ulat na isinumite sa Malacañang.

PSA is making considerable progress to hit the end-year target of 30.1 million physical Phil ID cards, which is 58 percent of the over-all target,” wika ni Balisacan, na namumuno sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 11055 o ang Philippine Identification System (PhilSys) Act, ang PhilID ay dapat tanggapin at kilalanin para sa gobyerno at pribadong mga transaksyon, at dapat ituring bilang isang opisyal at sapat na balidong patunay ng pagkakakilanlan para sa lahat ng mamamayang Pilipino at residenteng dayuhan.

Ang PSA, isang kaakibat na ahensya ng NEDA, ay ang ahensyang nagpapatupad na responsable para sa pangkalahatang pagpaplano, pamamahala, at pangangasiwa ng PhilSys, ang sentral na plataporma ng pamahalaan para sa lahat ng mamamayan at residenteng dayuhan ng Pilipinas, ayon sa RA 11055.

Nauna nang inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang PSA na mag-isyu ng 30 milyong PhilID sa pagtatapos ng 2022 at irehistro ang 92 milyon ng populasyon ng bansa sa PhilSys sa kalagitnaan ng 2023.

Ang paglulunsad ng digital PhilIDs ay magbibigay-daan sa mga nagparehistro na mai-print, ma-download, o mabuo ang kanilang national ID sa mobile app para sa kanilang paggamit habang naghihintay ng kanilang mga pisikal na ID.

Ang digital PhilID ay magkakaroon ng parehong functionality at validity gaya ng physical ID, naunang sinabi ng PSA.

Sa kanyang State of the Nation Address na binigkas noong Hulyo 25, sinabi ni Marcos na ang paggamit ng PhilID ay magbibigay-daan sa tuluy-tuloy na mga transaksyon sa gobyerno.

Inutusan din ni Marcos ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na i-digitize at i-harmonya ang mga database ng gobyerno at gawing available ang data sa lahat ng departamento at ahensya ng estado.

LATEST

LATEST

TRENDING