PAGASA: Panibagong weather disturbance, posible bago matapos ang Agosto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Maaaring magkaroon ng isa pang weather disturbance at makaapekto sa bansa bago matapos ang buwang ito, ipinahayag ng weather forecaster nitong Huwebes.

There is no low pressure area inside the Philippine Area of Responsibility but the eastern part of the country may experience rains due to cloud clusters, and we are not discounting the possibility of another tropical cyclone before the end of the month,” wika ni Benison Estareja ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Aniya, patuloy na humihina ang habagat at kasalukuyang nakakaapekto sa western section ng northern at central Luzon.

Para sa forecast nitong Huwebes, sinabi ni Estareja na pangkalahatang maaraw ang panahon, lalo na sa mga lugar na nakaranas ng mga pag-ulan dahil sa Severe Tropical Storm Florita.

Mararanasan pa rin ang mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms, dagdag niya.

Mainit at mahalumigmig na panahon ang iiral, ngunit may mataas na posibilidad ng pagkidlat-pagkulog sa buong Luzon.

Samantala, katamtaman hanggang sa malakas na hangin at katamtaman hanggang sa maalon na karagatan ang inaasahan sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Katamtaman hanggang sa maalon na karagatan ang mararanasan sa hilaga at kanlurang seaboard ng hilagang Luzon, at kanlurang seaboard ng gitnang Luzon (Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales at Bataan).

Ang mga bangkang pangingisda at iba pang maliliit na sasakyang pandagat ay inaalerto laban sa katamtaman hanggang sa maalon na karagatan, ayon sa PAGASA.

Sa ibang lugar, sinabi nito na ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.

LATEST

LATEST

TRENDING