DA: Walang inaasahang pagtaas ng presyo ng gulay sa NCR pagkatapos ng ‘Florita’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules na walang pagtaas ng presyo ng mga gulay sa Metro Manila, sa kabila ng epekto ng Severe Tropical Storm Florita.

Sa press briefing ng Palasyo, sinabi ni DA Undersecretary Kristine Evangelista na patuloy silang nagsasagawa ng assessment para matukoy ang halaga ng pinsala sa agrikultura, gayundin ang pagsubaybay sa mga lokal na suplay sa Ilocos Norte.

Ilocos Norte is not Metro Manila’s only source since we are looking at only 220 metric tons, of which only 2 metric tons are vegetables. The rest is basically rice. So we do not expect the prices of vegetables here in Metro Manila to move due to storm and its effects in Ilocos Norte at this point,” wika niya.

Ang inisyal na datos ay nagpakita na ang pinsala at pagkalugi ng agrikultura sa Ilocos Norte ay umabot na sa PHP3.01 milyon, na nakakaapekto sa humigit-kumulang 310 magsasaka.

Sinabi ni Evangelista na ang mga interbensyon ng DA ay nakahanda na at ang mga mobile Kadiwa store ay naka-standby sa rehiyon kung sakaling kailanganin.

We have biologics for our affected livestock raisers. We also have rice, corn, and vegetable seeds for farmers needing aid,” aniya.

Ang DA ay mayroon ding quick response fund (QRF) na pamamahalaan ng mga rehiyonal na tanggapan para sa pamamahagi.

Nitong Miyerkules, humigit-kumulang 628 ektarya ng lupain sa Ilocos Norte ang naapektuhan, karamihan sa mga ito ay mga lupang palay, na may PHP2.93 milyong halaga ng pagkalugi, habang ang pinsala sa mga high-value crops ay naka-peg sa PHP81,000.

LATEST

LATEST

TRENDING