DSWD, namahagi ng P141M na tulong pang-edukasyon sa 48K na aplikante

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang kanilang educational assistance program ay nakapagbigay ng P141 milyon na pinakinabangan ng 48,000 indibidwal sa buong bansa.

Inihayag ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na ang pinal na ulat ay isinumite sa kanya alas-3 ng umaga noong Linggo, Agosto 21, isang araw matapos ang programa ay nagdulot ng kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa mahabang pila ng mga aplikante sa national at local field offices nito.

Forty-eight thousand (both online applicants and walk in) were assisted by the DSWD in the first Saturday of its educational assistance program,” wika ni Tulfo.

A total of P141 million were distributed to students nationwide,” dagdag niya.

Nangako si Tulfo na magiging mas sistematiko ang sistema para sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga susunod na Sabado dahil nakipagtulungan na ang DSWD sa local government units (LGUs) para sa cash payout sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Bago ito, humingi na ng paumanhin ang DSWD chief sa hindi maayos na sistema ng pamamahagi ng cash aid sa punong tanggapan nito sa Quezon City noong Sabado, Agosto 20, at mga field office sa buong bansa.

We are very sorry. For those who are furious at us right now because we weren’t able to cater everyone, our sincerest apologies. We will do better next time and in the remaining five Saturdays,” aniya.

Sa ilalim ng educational assistance program ng DSWD, ang mga mag-aaral sa elementarya mula sa mga pamilyang nasa krisis ay kwalipikadong tumanggap ng P1,000; P2,000 para sa high school students; P3,000 para sa senior high students; at P4,000 para sa mga mag-aaral sa kolehiyo at bokasyonal.

Tumatanggap ang programa bilang mga benepisyaryo ng hanggang tatlong bata bawat pamilya. Ang programa ay tatagal ng anim na Sabado na nagsimula noong Agosto 20 hanggang Setyembre 24.

LATEST

LATEST

TRENDING