Marcos, nais magkaroon ng konsesyon sa mga mangangalakal para pababain ang presyo ng asukal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Isinasaalang-alang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor para mapababa ang presyo ng asukal sa bansa.

Sa isang konsultasyon sa mga opisyal ng Philippine Chamber of Food Manufacturers, Inc. (PCFMI) nitong Lunes, sinabi ni Marcos na humihingi siya ng konsesyon sa mga mangangalakal upang maibsan ang presyo ng asukal.

Hopefully, we can get some concessions with the traders so that at least the pricing will be reasonable. The concern is the supply right now. I’ll make sure that there is sufficient supply in the country so that you can operate at full capacity,” aniya.

Sinabi ni Marcos na tinitingnan din niya ang direktang pag-aangkat ng mga tagagawa ng pagkain bilang bahagi ng mga emergency measures upang matugunan ang kasalukuyang mga alalahanin sa industriya.

Kakailanganin nito ang pag-apruba ng Sugar Regulatory Administration (SRA), na kanyang pinamumunuan.

Inamin niya na sa kabila ng pangangailangan para sa bansa na dagdagan ang produksyon ng asukal sa hinaharap, ang kasalukuyang mga pag-aalala ng mga producer ng pagkain ay dapat matugunan.

Inilarawan ni Marcos ang mga problema sa suplay ng asukal sa bansa bilang “nakababahala” at tiniyak na magsisikap ang pamahalaan na madagdagan ang suplay ng mga kalakal.

It has become a worrisome problem. We are doing all of these things to protect the jobs of workers in those industries. So we are studying several measures that we can take to immediately increase the supply of sugar in the country,” wika niya.

Sa kanyang lingguhang vlog noong Linggo, sinabi ni Marcos na maaaring kailanganin ang pag-import ng asukal upang patatagin ang mga lokal na presyo ng mga bilihin.

Gayunman, sinabi niya na ang Pilipinas ay maaaring mangailangan lamang ng 150,000 metric tons (MT), kalahati ng 300,000 MT na naunang iminungkahi ng SRA, kung ang supply ay maubos sa Oktubre.

Ang PCFMI ay ang pangunahing organisasyon ng mga manufacturer at distributor ng mga produktong pagkain sa Pilipinas.

Responsibilidad nito ang pagbibigay sa mga mamimili ng ligtas, masustansya, at abot-kayang naprosesong mga produktong pagkain na sumusunod sa mga lokal at internasyonal na pamantayan at regulasyon.

LATEST

LATEST

TRENDING