DBM inaprubahan ang pag-isyu ng P1.4-B na pondo para sa libreng sakay ng EDSA carousel bus

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

MANILA – Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng PHP1.4 bilyon na karagdagang pondo para suportahan ang pinalawig na pagbibigay ng libreng sakay sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) Carousel Busway.

Sa isang press statement na inilabas noong Martes, sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na inaprubahan ng ahensya ang Special Allotment Release Order (SARO) at ang Notice of Cash Allocation (NCA) upang masakop ang mga karagdagang kinakailangan sa pagpopondo para sa pinalawig na pagpapatupad ng Service Contracting of Public Utility Vehicle (PUV) Program.

Ito pong paglagak natin ng additional funds ay suporta natin sa hangad ni President (Ferdinand) Marcos (Jr.) na i-extend ang programang Libreng Sakay ng Department of Transportation at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board hanggang Disyembre,” aniya.

Ang pinalawig na free bus ride program ay nakatakdang magtapos noong Hulyo 31, ngunit si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang unang araw sa panunungkulan, ay inihayag ang pagpapalawig nito hanggang Disyembre ngayong taon.

Malaking tulong at ginhawa po ang Libreng Sakay sa bulsa ng mga commuter, lalo na para sa mga estudyante at mga kabilang sa labor force,” wika ni Pangandaman.

Susuportahan ng programa ang hanggang 50 milyong ridership mula Setyembre 1 hanggang Disyembre 31.

Makikinabang din dito ang humigit-kumulang 628 units ng onboarded public utility buses (PUBs) sa EDSA Busway Route sa Metro Manila dahil nagbibigay ito ng pinansiyal na suporta sa mga transport service provider sa pamamagitan ng performance-based payouts.

Magiging malaking tulong po ito sa kabuhayan ng mga driver ng EDSA Busway na hanggang ngayon ay bumabangon mula sa epekto ng pandemya, at apektado sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina,” wika niya.

Ang programang libreng sakay ng bus ay binuo upang matiyak ang mahusay at ligtas na operasyon ng pampublikong transportasyon sa ilalim ng new normal.

Kasalukuyan itong nakakatulong na pagaanin ang pinansiyal na pasanin sa mga mamimili na lubhang naapektuhan ng tumataas na halaga ng mga produkto at serbisyo.

LATEST

LATEST

TRENDING