Marcos: Gobyerno, naghahanap ng “non-traditional” na mapagkukunan ng fertilizer

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Naghahanap ang gobyerno ng mga “non-traditional” na mapagkukunan ng fertilizer upang matiyak na magkaroon ng abot-kayang suplay, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Linggo.

Sinabi ni Marcos, na namumuno din sa Department of Agriculture (DA), na ang pagpupursige ng government-to-government (G2G) talks para bumili ng mas murang mga pataba ay maaaring makatulong na matugunan ang pagtaas ng presyo.

Tayo naghahanap ng tinatawag na non-traditional [sources of fertilizer]. ‘Yung iba’t-ibang bansa na hindi naman natin ini-importan noon ay nilalapitan na ngayon natin at baka sakali makabili tayo ng fertilizer na mas mura,” sabi niya sa kanyang weekly vlog.

Bukod sa G2G talks, magkakaroon din ng pamamahagi ng discount voucher na maaaring palitan ng pataba mula sa mga accredited merchant.

Nagtutulungan ang private sector, nagtutulungan ang gobyerno para naman mas makamura ang mga farmer at kahit papaano, mayroong kinikita,” dagdag niya.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na pinag-iisipan ni Marcos ang pakikipagnegosasyon sa China, Indonesia, United Arab Emirates, Malaysia at Russia para sa pagbili ng mas murang pataba.

Noong nakaraang linggo, inatasan ni Marcos ang Department of Trade and Industry na magbigay ng mas murang pataba para sa mga magsasaka.

Ang matinding pagtaas sa mga presyo ng pataba ay pinalala ng patuloy na digmaang Russia-Ukraine, na nagsimula noong Pebrero.

Ang Russia ang pinakamalaking pandaigdigang exporter ng pataba.

Ang halaga ng urea, ang pinakakaraniwang ginagamit na pataba, ay tumaas sa PHP2,781 sa bawat 50 kilo, mas mataas sa PHP1,321 noong nakaraang taon, ayon sa Fertilizer and Pesticide Authority ng DA.

LATEST

LATEST

TRENDING