LRT-2 ‘libreng sakay’ para sa mga estudyante, magsisimula na sa Agosto 22

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Masisiyahan ang mga mag-aaral sa libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) simula Agosto 22 hanggang Nobyembre 5.

Sa Laging Handa briefing nitong Miyerkules, sinabi ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera na ang free ride program ay direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang tulungan ang mga estudyante sa kanilang pagbabalik sa mga silid-aralan.

Para ma-avail ang programa, sinabi ni Cabrera na kakailanganin lamang ng mga mag-aaral na ipakita ang kanilang school identification (ID) o patunay ng enrollment sa LRT-2 passenger assistance center kung saan bibigyan sila ng single-journey ticket.

After that babalik na po tayo doon sa normal na 20 percent discount para sa ating mga estudyante,” wika niya.

Pinaalalahanan niya ang mga mag-aaral at iba pang riding public sa patuloy na pagpapatupad ng Covid-19 safety protocols tulad ng temperature checks, mandatoryong pagsusuot ng face mask, physical distancing, at pag-iwas sa pagkain at pagsasalita habang nasa loob ng tren.

“Sumunod din po tayo lagi doon po sa tinatawag din natin na mga security protocols. So, ini-inspect pa rin po natin ang mga bag, iyong mga deadly weapon po – ang dami po naming nakukumpiska,” aniya.

Nauna rito, sinabi ng Department of Education na magsisimula ang school year 2022-2023 sa Agosto 22 at dahan-dahang lilipat sa limang araw na harapang klase sa Nobyembre 2.

LATEST

LATEST

TRENDING