Kaso ng dengue sa bansa, umabot na sa mahigit 90K

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Iniulat kahapon ng Department of Health (DOH) na umabot sa mahigit 90,000 ang kaso ng dengue sa bansa mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.

Batay sa datos ng DOH, mayroong 92,343 mga kaso ng dengue ang naitala mula Enero 1 hanggang Hulyo 23.

Cumulatively, cases this year are 118 percent higher compared to the 42,294 cases reported during the same period in 2021,” isinaad ng departamento.

Karamihan sa mga kaso ng dengue ay naiulat mula sa Central Luzon, na may 15,951 (17 porsiyento); Central Visayas, 9,429 (10 porsiyento) at National Capital Region (NCR), 7,962 (siyam na porsiyento).

Mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 23, mayroong 21,566 na kaso ang naitala, sabi ng DOH.

Ang mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng kaso ay ang Central Luzon, na may 5,186 (24 porsiyento); NCR, 2,374 (11 porsiyento) at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), 2,178 (10 porsiyento).

Binanggit din ng departamento na siyam sa 17 rehiyon ay lumampas sa limitasyon ng epidemya, kung saan ang Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) at NCR ay nagpapakita ng patuloy na pagtaas ng trend.

Lumabas din sa datos ng DOH na sa buong bansa, mayroong 344 na pagkamatay na naiulat na may case fatality rate na nasa 0.4 porsiyento.

LATEST

LATEST

TRENDING