DFA, pinapanatili ang Alert Level 1 para sa mga Pilipino sa Israel

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pinananatili ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 1 status para sa mga Pilipino sa Israel.

Ayon sa website ng DFA, ang Alert Level 1 o Precautionary Phase ay inisyu dahil sa mga valid na senyales ng internal disturbance, instability o external threat sa host country.

Pinananatili ng DFA ang pinakamababang status sa antas ng alerto dahil sa pagtigil ng labanan sa Gaza Strip, na naganap matapos umanong magsagawa ng pag-atake ang Israel doon.

[We hope] that the ceasefire holds. We call on parties to exercise restraint and to respect the terms of the ceasefire,” wika ng DFA sa isang pahayag.

Isinaad ng DFA na walang ulat ng sinumang Pilipinong nasaktan sa labanan sa oras ng pag-anunsyo. Sinabi ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza na mayroong 160 Pilipino sa Gaza.

The DFA, through its Embassies in Tel Aviv and Amman, is monitoring the situation. The safety and security of every Filipino overseas remain the priority of the Philippine government,” isinaad nito.

Sa kabila ng tigil-putukan sa pagitan ng dalawang nag-aaway na partido, nanawagan ang DFA sa mga Filipino community sa Gaza Strip at mga kalapit na lugar na manatili sa kanilang mga tirahan hangga’t maaari, iwasan ang mga pampublikong lugar, at patuloy na subaybayan ang sitwasyon ng seguridad sa pamamagitan ng opisyal ng mga opisyal na channel ng komunikasyon ng mga embahada.

LATEST

LATEST

TRENDING