DepEd: Bawal ang pangongolekta ng bayad sa ‘Brigada Eskwela’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga pinuno ng mga paaralan sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa na ang anumang koleksyon ng mga bayarin o paghingi ng bayad mula sa mga volunteer o stakeholder ay bawal sa pagpapatupad ng “Brigada Eskwela”.

’Brigada Eskwela’ is anchored on the spirit of ‘bayanihan’ and has been the prime mover of volunteerism and community involvement in the Department of Education,” sinabi ng ahensya sa isang pahayag na inilabas noong Lunes, Agosto 8.

Dahil dito, pinaalalahanan ng DepEd ang mga school head (SH) na sa pagpapatupad ng “Brigada Eskwela (BE)” para sa 2022, “walang bayad na kokolektahin mula sa mga magulang/tagapag-alaga o hihingi sa ibang mga boluntaryo at stakeholder” base sa order no. 062, s. 2022.

Inilabas ng DepEd ang pahayag na ito bilang tugon sa isang post sa Facebook noong Agosto 5 na nagsasabing ang “Brigada Eskwela” ay nagiging panahon kung kailan ang mga guro ay nagiging “propesyonal mga namamalimos”.

Sa isang pahayag na inilabas noong Agosto 2, pinuna rin ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang DepEd sa pagtulak ng “teachers to ask for donations” lalo na sa gitna ng kontrobersiya ng P2.4 bilyong pagbili ng laptop na binandera ng Commission on Audit (COA) sa ulat nito noong 2021.

While the DepEd is saying that the out-of-pocket of teachers should be reimbursed, in our experience it is like going through the eye of a needle because of numerous requirements and the insufficiency of the school maintenance and other operating expenses (MOOE),” wika ni ACT Chairperson Vladimer Quetua.

At any rate even if they were reimbursed the teachers were made to shell out money in the first place,” wika ni Quetua. “Money that is very dear considering that they have very low salaries and the Marcos administration said that they will not give a salary increase for teachers,” dagdag niya.

Kilala rin bilang National Schools Maintenance Week, ang “Brigada Eskwela” ay isang taunang inisyatiba ng DepEd kung saan ang mga stakeholder ng edukasyon ay nagtitipon upang tumulong na matiyak na ang mga paaralan ay magiging handa na tumanggap ng mga mag-aaral para sa paparating na pasukan.

Ang “Brigada Eskwela” ngayong taon, sabi ng DepEd, ay “tutugunan ang mga hamon at mga kakulangan sa mapagkukunan ng pag-aaral para sa mga guro at mag-aaral” sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa lokal at pambansang antas.

LATEST

LATEST

TRENDING