DBM, naglabas ng P2-B para tulungan ang mga indibidwal, pamilyang nangangailangan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman noong Lunes ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng PHP2 bilyong piso sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tulungan ang mga nasa mahirap na kalagayan, kabilang ang mga nasa sitwasyon ng krisis.

Ang pondo ng taumbayan, dapat pong mapakinabangan rin ng taumbayan lalo na sa oras ng peligro. The release of this fund is a big help to our kababayans who are caught in difficult situation(s),” wika ni Pangandaman sa isang pahayag.

Maganda ang timing ng karagdagang pondong ito. Gusto nating tulungan ang DSWD para makapagbigay ng tulong at proteksyon sa mga pamilyang nangangailangan.

Ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD ay bahagi ng Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances.

Ang AICS ay nagbibigay ng mga pinagsama-samang serbisyo, na kinabibilangan ng tulong pinansyal para sa transportasyon, medikal, paglilibing, pagkain, at iba pang mga support service, na ibinibigay sa mga indibidwal at pamilya sa mga sitwasyon ng krisis.

Noong Hunyo 30, ang programa ng AICS ay nagsilbi ng higit sa 1.5 milyong kliyente, na lumampas sa taunang target nito na humigit-kumulang 1.4 milyon. Tinatayang 642,348 ang natitirang mga kliyente para sa 2022.

Patunay ito na binibigyan prayoridad ng pamahalaan ang pagtulong sa mga vulnerable at disadvantaged sectors. Hindi lip service and sinabi ng Pangulo na walang Pilipino ang maiiwan,” wika ni Pangandaman.

LATEST

LATEST

TRENDING