DFA: PH, nakatanggap ng tulong mula Japan para sa mga lugar na tinamaan ng lindol

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nakatanggap ang Pilipinas ng humanitarian assistance ng Japan para sa mga biktima ng magnitude 7 na lindol kamakailan na tumama sa Abra at mga kalapit na lalawigan, inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Huwebes.

Sinabi ng ahensya na ang donasyon, na ibinigay ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong Agosto 2, ay kasama ang mga camping tent, sleeping pad, generator, plastic sheet, at mga lalagyan ng tubig.

May this provision boost the relief efforts of Philippine authorities and ease the burden of communities devastated by the earthquake. Japan is in solidarity with you at this difficult time. Kasama nyo kami, Pilipinas,” wika ng Japanese Ambassador sa Pilipinas na si Kazuhiko Koshikawa sa isang hiwalay na pahayag.

Dumalo rin sa turnover ceremony sina JICA Chief Representative Takema Sakamoto, DFA Undersecretary for Civilian Security and Consular Affairs Jesus Domingo, at DSWD Assistant Secretary for Special Projects Rommel Lopez.

LATEST

LATEST

TRENDING