Marcos, inatasan ang NGAs, LGUs na makipag-ugnayan para sa mabilis na pagtugon sa lindol

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga national government agencies (NGAs) na makipag-ugnayan sa mga local government units (LGUs) para matiyak ang agarang pagtugon sa mga lugar na tinamaan ng lindol.

Inilabas ni Marcos ang direktiba sa isang situation briefing na ginanap sa Bangued, Abra, dahil kinikilala niya ang mahalagang papel ng mga LGU sa pagbibigay ng emergency relief sa mga biktima ng lindol.

So, we do what we usually do. Work together with the local government so that we can make sure na walang nangangailangan na hindi natin nabigyan ng tulong,” sabi niya sa mga NGA.

Sinabi ni Marcos na ang muling pagtatayo ay dapat ang pangunahing prayoridad ng gobyerno para sa mabilis na pagbangon ng mga lugar na nasalanta ng lindol sa lalawigan ng Abra at iba pang bahagi ng Luzon.

Binigyang-diin na ang mga LGU ang may pangunahing responsibilidad na dalhin ang tulong na ito sa mga tao, sinabi ni Marcos na dapat planuhin ng national at lokal na pamahalaan ang lahat.

The LGUs are always the ones — the municipal mayors, the governors, the vice governors, ay kayo ang nakakaalam kung ano what the situation is on the ground,” aniya. “I will repeat it, national government agencies, lahat nang gagawin ninyo, please coordinate closely with the local government para ma-maximize ang inyong mga asset.

Tulungan ang mga nawalan ng tirahan sa mga liblib na lugar

Ipinag-utos din ni Marcos ang agarang pagpapanumbalik ng tubig, kuryente, at linya ng komunikasyon sa mga lugar na tinamaan ng lindol.

Aniya, ang mga biktima ng lindol na nawalan ng tirahan ay dapat mabigyan ng kinakailangang tulong.

Doon sa mga naapektuhang, mga naging biktima, let’s make sure that we are ready to support them and give them all that they need,” wika ni Marcos.

Ito, matapos ipaalam kay Marcos na humigit-kumulang 28 bahay ang kabuuang nasira, habang 2,362 na iba pa ang bahagyang nasira.

I think we have a good idea of the situation. Let us go once again through the list of the requirements, the needs. Number one is water supply and of course, whatever the financial support the DSWD is intending to provide para ‘yung mga rendered homeless or at least [those that] have been evacuated, eh may support naman sila ng kaunti,” wika ni Marcos.

Inatasan din ni Marcos ang mga kinauukulang national government agencies, kabilang ang Department of National Defense (DND) na tumulong sa mga lugar na tinamaan ng lindol, lalo na ang pitong naiulat na liblib na bayan sa lalawigan ng Abra.

“Sa air assets ng DND, we will arrange para hindi tayo masyadong nahihirapan at maiaabot na natin ‘yung isolated areas,” aniya.

Suriin ang mga ospital, mga gusali

Ipinag-utos din ni Marcos ang tamang koordinasyon sa mga civil engineer para sa pagsasagawa ng inspeksyon sa mga gusali ng gobyerno, gayundin sa mga residential properties.

Dapat aniyang mangunguna ang mga ospital sa listahan ng mga pasilidad na susuriin.

I think your priority will be, quite right, is the hospitals, uunahin natin, even before the government buildings. Unahin natin yung mga ospital. When we organize that, let’s go first to the hospital, let’s go first to the health care centers. And then we can go to the government buildings,” wika ni Marcos.

Binigyang-diin din ni Marcos ang pangangailangan sa pag-inspeksyon ng mga bahay ng mga biktima ng lindol upang matukoy kung “ligtas” na ang kanilang pag-uwi.

LATEST

LATEST

TRENDING