Marcos, ipinangako ang mabilis na pagsisiyasat sa pamamaril sa Ateneo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Linggo ng mabilis na imbestigasyon sa insidente ng pamamaril sa Ateneo na ikinasawi ng hindi bababa sa tatlong tao, kabilang ang isang dating alkalde ng lungsod sa Basilan City.

Ito, bilang pagluluksa ng Pangulo kasama ang mga naulilang pamilya ni Rosita Furigay, dating alkalde ng Lamitan City sa lalawigan ng Basilan; Victor George Capistrano, ang executive assistant ni Furigay; at si Bandiola Jeneven.

Si Hannait, na iniulat na anak ni Furigay na sasali sana sa graduation ceremony ng School of Law sa Areté complex sa loob ng Ateneo de Manila University campus sa Quezon City, ay sumasailalim sa paggamot.

We commit our law enforcement agencies to thoroughly and swiftly investigate these killings and bring all involved to justice,” sinabi ni Marcos sa isang pahayag sa kanyang opisyal na Facebook page.

Sinabi ni Marcos na siya ay nagulat at nalulungkot sa insidente ng pamamaril na nangyari bandang 2:55 p.m.

Our prayers go to the graduates, their families, the Ateneo community, and to the residents of Quezon City and Basilan,” wika ni Marcos.

Binaril si Furigay habang naglalakad patungo sa lobby ng isa sa mga gusali ng paaralan kung saan gaganapin ang graduation ng mga Ateneo Law students.

Idineklara siyang patay sa ospital kasama si Capistrano.

Kinilala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang umano’y bumaril na si Dr. Chao-Tiao Yumol, 38, at residente ng Basilan.

Magdaraos sana ng graduation rites ang Ateneo Law School, ngunit nakansela ito matapos ang pamamaril dahil naka-lockdown ang campus.

Hindi naaangkop

Samantala, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na may isinasagawang imbestigasyon at gagawa ng kaukulang aksyon hinggil sa tweet ni Den Macaranas, na umano’y isang desk editor sa People’s Television Network na pinatatakbo ng estado.

Nagbarilan na yata ang mga Pinklawan at Dilawan @ateneo,” nag-post si Macaranas sa Twitter noong 4:15 p.m., na tumutukoy sa mga kulay politikal ng oposisyon.

Pursuant to this, we called the attention of officials at PTV to investigate the matter. We assure the public that if true, we will take the appropriate action,” wika ni Cruz-Angeles sa isang pahayag.

Pagsisiyasat

Tinuligsa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang insidente ng pamamaril at nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga namatay sa pamamaril.

We strongly denounce the shooting incident at the Ateneo de Manila University. This kind of incident has no place in our society and must be condemned to the highest level,” wika ni Belmonte sa isang pahayag.

Hiniling ng kanyang tanggapan sa Quezon City Police District na ipagpatuloy ang pag-iimbestiga sa insidenteng ito at tiniyak na ang mabilis na hustisya ay makakamit ng mga biktima at kanilang mga pamilya.

Kinondena din ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang insidente ng pamamaril.

The DILG sincerely sympathizes with the family of the victims of this unfortunate incident as we assure them that we will strengthen the case against the suspect, file the necessary charges, and ensure that the suspect will languish behind bars,” ayon sa pahayag ng DILG.

Pinuri ng DILG ang Quezon City Police District at Anonas Police Station sa kanilang “mabilis na aksyon na humantong sa agarang pag-aresto sa suspek.”

LATEST

LATEST

TRENDING