Robredo, muling bubuksan ang teleconsult program

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Muling ilulunsad ng non-government organization na itinatag ni dating bise presidente Leni Robredo ang Bayanihan E-Konsulta, ang libreng online medical consultation program na pinasimulan niya sa kanyang termino.

Sinabi ni Robredo na muling bubuksan ng Angat Buhay NGO ang inisyatiba dahil sa pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng Covid-19.

Sinabi niya na ang programa ay nangangailangan ng isang paunang 50 non-medical at 40 medical volunteers, na may posibilidad na lumaki depende sa bilang ng mga request.

Sa loob ng 20 minuto, sinabi ni Robredo na mahigit 1,100 volunteers na ang nag-sign up.

The spirit of volunteerism is alive and well,”sabi niya sa isang Twitter post.

Inilunsad ni Robredo ang Angat Buhay noong Hulyo 1, isang araw pagkatapos ng kanyang termino, na may layuning ipagpatuloy ang mga programang pinasimulan niya bilang bise presidente.

Ang Bayanihan E-Konsulta ay kabilang sa mga programang inilunsad ng Office of the Vice President sa ilalim ni Robredo upang tumugon sa pandemya.

LATEST

LATEST

TRENDING