NDRRMC nagbabala sa publiko: Maghanda para sa tag-ulan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Pinaalalahanan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes ang publiko na maging mas mapagbantay at mag-ingat laban sa mga flash flood at landslide na dulot ng masamang panahon.

We remind the public to remain alert and prepared for the increasing likelihood of floods and landslides during this rainy season,” wika ni NDRRMC chair, Undersecretary Jose Faustino Jr. sa isang social media post ng Office of the Civil Defense noong weekend.

Sinabi ni Faustino, na siya ring office-in-charge ng Department of National Defense, na patuloy na palalakasin ng katawan ang mga mekanismo, sistema, at aksyon nito na magtitiyak sa patuloy na kaligtasan ng mamamayang Pilipino.

As we observe the National Disaster Resilience Month, I hope that everyone will take part in our call for collective actions towards a safe. resilient and prosperous nation,” dagdag niya.

Noong nakaraang linggo, nasa 500 pamilya ang naapektuhan ng baha sa lalawigan ng Ifugao.

Ang intertropical convergence zone, samantala, ay nagbuhos ng malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Cebu na nagresulta sa malawakang pagbaha.

Samantala, isang babae naman ang nasawi matapos matabunan ng landslide ang kanilang bahay noong Hulyo 9 sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Bataan.

LATEST

LATEST

TRENDING