Korte Suprema, pinalawig ang 2022 Bar exam application deadline hanggang Agosto 15

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Pinalawig ng Korte Suprema ang pagsusumite ng mga aplikasyon para sa mga nagnanais na kumuha ng 2022 Bar examinations na nakatakda ngayong Nobyembre.

Sa Bar Bulletin 4, sinabi ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa — isa ring 2022 Bar Examinations chair — na inilipat nila ang deadline para sa pagsusumite sa Agosto 15, mula Hulyo 15.

Sinabi ni Caguioa na naabisuhan ang Korte na dahil sa pagkakaiba-iba sa mga kalendaryong pang-akademiko ng iba’t ibang mga law school sa bansa, ang ilang mga law school ay mas maaantala ang pagsasara ng kanilang academic year kaysa sa iba at mas huli ng pagsasara sa orihinal na application period.

Pinili nilang pahabain ang panahon ng aplikasyon upang mabigyan ng oras ang mga law graduate na maghanda at magsumite ng mga kinakailangang dokumentaryo habang tinitiyak na magkakaroon ng sapat na oras ang Korte upang iproseso at i-verify ang kasapatan ng mga aplikasyong matatanggap.

Ang 2022 Bar examinations ay gaganapin sa apat na hindi magkakasunod na araw sa loob ng dalawang linggo sa Nobyembre, maliban sa mga hindi inaasahang pangyayari at contingencies na maaaring mangailangan ng muling pag-iskedyul nito, sinabi ni Caguioa sa isang naunang Bulletin.

Further details with respect to the exact dates of the Bar examinations, as well as those pertaining to the Bar PLUS platform and the exam venue selections will be announced in a later bulletin,” pagpapatuloy ni Caguioa.

Nauna nang sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na ipagpapatuloy ng SC ang digitalized na format sa mga darating na Bar exams upang “mapanatili ang momentum ng digital shift na ito.”

LATEST

LATEST

TRENDING