Covid nabigong pabagalin si Marcos; patuloy na nagtatrabaho habang nasa isolation

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sa kabila ng paggiging positibo sa Covid-19, maayos ang kalagayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at patuloy na nagtatrabaho habang nasa isolation sa kanyang tahanan, na nagbibigay ng mga direktiba sa kanyang mga opisyal ng gabinete, ipinahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

Sinabi ni Angeles na ang Pangulo ay binisita noong Sabado ng hapon ng kanyang lead physician, si Dr. Samuel Zacate, na binanggit na ang punong ehekutibo ay bumuti ang kalagayan na may mga banayad lamang na sintomas at “walang lagnat, walang pagkawala ng panlasa at pang-amoy.”

Ang pisikal na pagsusuri ni Zacate ay nagpahiwatig na ang lalamunan ng Pangulo ay malinis sa anumang pamamaga at higit sa lahat, walang “senyales ng respiratory distress o pneumonia.”

His personal doctor, Dr. Zacate, reported Saturday that the President is doing well and very much in stable condition,” wika ni Angeles.

Kung matatandaan, nagpositibo ang Pangulo sa Covid-19 sa antigen test noong Biyernes, Hulyo 8.

Noong panahong iyon, nakakaranas siya ng banayad na lagnat, pagbabara ng ilong, pangangati ng ilong at banayad na ubo.

Isang RT-PCR test ang kasunod na ginawa kay Marcos na nagpapatunay na siya ay positibo sa Covid-19.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na nagpositibo sa Covid-19 si Marcos.

Ang una ay noong kasagsagan ng pandemya noong 2020 nang daan-daang libong Pilipino ang nahawa ng virus.

The President was advised to undergo home isolation for seven days in compliance with the Department of Health protocol for fully-vaccinated individuals,” wika ni Angeles.

Sa pagsipi sa pinakabagong health bulletin ni Zacate para sa Pangulo, sinabi ni Angeles na ang “vital signs ng punong ehekutibo ay nasa normal na limitasyon at isasailalim siya sa karagdagang pagsusuri sa laboratoryo kung kinakailangan” batay sa progreso ng Pangulo.

Sinabi ni Angeles na ang mga gamot sa bahay para sa Pangulo ay ipinagpapatuloy at siya ay nasa ilalim ng mahigpit na monitoring ni Zacate hanggang sa matapos ang kanyang home isolation period.

Sa kanyang virtual na mensahe sa mga alkalde at gobernador noong Biyernes nang simulan niya ang kanyang isolation, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng isang booster campaign rollout upang ligtas na ipagpatuloy ang harapang klase at ganap na muling pagbubukas ng ekonomiya.

So let us return to the idea of what we did last year na magkaroon ulit ng vaccine rollout. Gawin na natin ito para makatiyak na tayo. At pagka maging matagumpay ang ating booster rollout ay makikita naman natin siguro puwede na nating ibaba ang mga alert level, puwede na nating gawing optional ang mask,” binigyang-diin ni Marcos.

Kumbinsido siya na kung magiging matagumpay ang malawakang pagbabakuna, maaaring payagan ng gobyerno ang mga bata na bumalik sa buong harapang klase at ganap na buksan ang ekonomiya.

Binigyang-diin niya na ang mga welcome development na iyon ay maaaring magpadala ng hudyat sa iba pang bahagi ng mundo na ang Pilipinas ay ganap na bukas at bumalik sa negosyo.

Nais niyang magsagawa ang mga local government unit ng large-scale immunization drive para sa booster shot na nagta-target sa mga batang mag-aaral upang ligtas silang makabalik sa paaralan sa Agosto o Setyembre ngayong taon.

LATEST

LATEST

TRENDING