Marcos-Hurley meeting nagpapatibay sa matagal nang ugnayan ng PH-Australia

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Huwebes ang Gobernador-Heneral ng Australia na si David Hurley para sa isang bilateral na pagpupulong sa Palasyo ng Malacañang pagkatapos ng kanyang inagurasyon.

Ito ang unang face-to-face na pagpupulong sa pagitan ng bagong chief executive at isang dayuhang pinuno ng estado.

Ang Gobernador-Heneral din ang pinakamataas na antas ng dignitaryo na dumalo sa inagurasyon ni Marcos sa Pambansang Museo noong Hunyo 30, na sumasalamin sa kahalagahan ng Australia sa matagal nang relasyon nito sa Pilipinas.

I am delighted to be in the Philippines, one of Australia’s closest neighbors, to see the work our countries are doing to elevate our bilateral partnership towards a Strategic Partnership. Our enduring friendship is anchored by our values of mateship and bayanihan,” wika ni Hurley.

Sa kanilang pagpupulong, tinalakay ng mga pinuno ng estado ang lumalawak na kooperasyon sa pagitan ng Australia at Pilipinas sa pagtatanggol, pag-unlad, kalakalan at mga ugnayang tao-sa-tao.

Sinabi ng Australian Embassy sa Manila na inulit din ng mga pinuno ang pangako ng dalawang bansa sa kapayapaan, seguridad at kaunlaran sa Indo-Pacific region.

LATEST

LATEST

TRENDING