10K na ayuda bawat pamilya panukala pa rin, paglilinaw ni Cayetano

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nilinaw ni Senador Alan Peter Cayetano na ang pagbibigay ng PHP10,000 cash aid sa bawat pamilya ay legislative proposal lamang at isa ito sa mga priority bill na agad niyang ihahain sa 19th Congress.

Ipinaliwanag niya na ito ay naiiba sa pribadong pinondohan na programang “Sampung Libong Pag-asa”, na namahagi ng PHP10,000 cash para sa mga piling benepisyaryo at nagpakita ng mahalagang bahagi ng kanyang economic recovery plan upang matulungan ang mga pamilya na makabili ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Sa mga namba-bash sa 10K ayuda, kung kaya ko lang silang bigyan ng tig-sasampung libo, binigay ko na sa kanila. Pero sa katotohanan ito’y isang legislative proposal,” aniya sa isinagawang oath-taking ceremony ng mga opisyal ng Taguig City noong Huwebes, kasama ang kanyang asawang si Mayor Lani Cayetano.

So ang hinihingi ko po doon sa mga tumutuligsa sa programang Sampung Libong Pag-asa during the pandemic, tumulong na lang kayo,” dagdag niya.

Sa 18th Congress, inihain ng mag-asawang Cayetano ang House Bill No. 8597 o ang “10K Ayuda” bill, isang financial aid program na mamamahagi ng PHP10,000 sa bawat pamilyang Pilipino o PHP1,500 bawat miyembro ng pamilya.

Nabigo ang Kongreso na maipasa ang panukalang naghahangad na maisama sa Bayanihan 3 Covid-19 aid package o ang PHP5-trillion 2022 budget.

Si Cayetano ay dating kinatawan ng Taguig-Pateros habang si Mayor Cayetano ay kinatawan ng Taguig Second District.

LATEST

LATEST

TRENDING