DOH, nanawagan muli sa pag-veto ng vape bill

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nanawagan ang Department of Health (DOH) nitong Martes kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act o ang Vape Bill.

Ang Vape Bill, na inaprubahan ng isang congressional bicameral committee, ay isa na ngayong naka-enroll na bill sa Office of the President.

Patuloy pong hinihiling ng Kagawaran ng Kalusugan ang pag-veto ni Pangulong Duterte ang Senate Bill 2339 at House Bill 9007 o mas kilalang Vape Bill dahil sa panganib sa kalusugan nating lahat lalong lalo na sa ating mga anak,” Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire said in an online media forum.

Sa ilalim ng Section 21 ng panukalang batas, bibigyan ng buong awtoridad ang Department of Trade Industry na i-regulate ang mga vaporized nicotine at non-nicotine products at ang kanilang mga device at novel tobacco products na gawa sa dahon ng tabako o may nicotine sa tabako.

Dahil po sa bill na ito, mawawala sa Department of Health at sa Food and Drug Administration (FDA) ang pagbabantay sa pangkalusugang epekto ng mga produktong ito. Mismong Korte Suprema ang nagsabi na masama sa kalusugan ang mga produkto gaya ng tobacco,” wika ni Vergeire.

Nauna rito, sinabi ng DOH na ipiprisinta nito ang kanilang posisyon sa susunod na administrasyon kung maisasabatas ang panukalang batas.

LATEST

LATEST

TRENDING