PRRD: Hindi mapipigilan ang korapsyon, mababawasan lang

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Sa kanyang tatlong araw na lang na natitira bago siya bumaba sa puwesto, sinabi ni Pangulong Rodrigo R. Duterte nitong Lunes na hindi mapipigilan ang katiwalian.

“Corruption is endemic. It cannot be stopped but it can be minimized,” wika ni Duterte sa isang talumpati sa panunumpa ng mga lokal na opisyal sa kanyang bayan sa Davao City.

Ang kanyang anak na si Davao City mayor-elect Sebastian ay kabilang sa mga lokal na opisyal na nanumpa.

It is hard to stop the corrosive effect of money upon the person,” dagdag ni Duterte.

Hindi ito ang unang pagkakataon na inilarawan ni Duterte na endemic ang katiwalian.

Sa kanyang ikaanim at huling State-of-the-Nation Address (SONA) noong Hulyo 26, 2021, sinabi ni Duterte na ang tanging paraan para mapuksa ang katiwalian ay ang ganap na pagbaligtad ng gobyerno.

Maari lamang aniyang baguhin ng kanyang kahalili ang sistema kung sisibakin niya ang “lahat” sa gobyerno sa pamamagitan ng pagdedeklara ng martial law.

Gayunpaman, sinabi ni Duterte na ang kanyang administrasyon ay gumawa ng mga makabuluhang hakbang sa pagpuksa ng katiwalian sa gobyerno.

Ilang opisyal na ang sinibak ni Duterte dahil sa umano’y katiwalian.

Noong nakaraan, pinangalanan niya ang mga opisyal mula sa Bureau of Customs, Bureau of Immigration, at Department of Public Works and Highways na sinibak dahil sa umano’y katiwalian.

Noong Oktubre 2020, inutusan ni Duterte ang Department of Justice na pamunuan ang isang mega task force na mag-iimbestiga sa lahat ng ahensya ng gobyerno na tinutugis ng mga alegasyon ng katiwalian.

Naglunsad din ang kanyang administrasyon ng Citizens’ Hotline and Complaints Center kung saan pinoproseso ang mga reklamo laban sa katiwalian at red tape.

LATEST

LATEST

TRENDING