Duterte pinangalanan ang mga bagong OIC ng DAR, DENR

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes ang mga bagong officers-in-charge (OIC) na mangangasiwa sa Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa isang pahayag, sinabi ni acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na itinalaga ni Duterte si DAR Undersecretary David Erro bilang OIC ng DAR.

Papalitan ni Erro si Bernie Cruz na nagsilbing acting Secretary ng DAR kasunod ng pagbibitiw ni John Castriciones para tumakbong senador sa May 2022 elections.

Itinalaga rin ni Duterte si Assistant Secretary Joselin Marcus Fragada bilang OIC ng DENR.

Papalitan ni Fragada si Jim Sampulna, na naging acting DENR secretary matapos magbitiw si Roy Cimatu noong Pebrero 2022 dahil sa kanyang kalusugan.

Ang parehong pagtatalaga ay dumating lamang pitong araw bago matapos ang anim na taong termino ni Duterte ngayong Hunyo 30.

Itinalaga ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si ABONO Partylist Rep. Conrado Estrella III bilang kanyang DAR Secretary.

Hindi pa niya pinangalanan ang kanyang DENR Secretary.

Hindi ipinaliwanag ng Malacañang ang dahilan ng mga bagong pagtatalaga. 

LATEST

LATEST

TRENDING