LTFRB hihintayin ang direktiba ng Marcos admin sa susunod na fuel subsidy tranche

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Hihintayin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magsimula ang administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bago ilabas ang susunod na tranche ng fuel subsidy program, sinabi ng isang opisyal nitong Miyerkules.

Sa isang briefing ng Laging Handa, sinabi ni LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion na habang handa sila sa susunod na disbursement ng subsidy program, ito ay depende sa mga patakaran ng papasok na administrasyon.

We do not want to preempt po kasi of the incoming administration of President Marcos kung ano po iyong kanilang mga programa at polisiya, when it comes to the ayuda for the transportation sector,” wika ni Cassion.

Aniya, handa ang LTFRB na sundin ang mga patakaran at tumugon sa mga direktiba mula kay Marcos.

Rest assured naman po sa naririnig natin kay incoming President Marcos na iyong transportation ay isa daw sa tututukan ng kaniyang administrasyon,” aniya.

Nakumpleto na ng LTFRB, Department of Trade and Industry (DTI), at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kanilang listahan ng mga benepisyaryo sa ilalim ng programa.

If in case po na ire-release po nila iyong second tranche, wala namang pagbabago doon sa mga beneficiaries, kasi ito naman po talaga ang registered na mga franchise owners po sa atin,” wika niya.

Nabanggit niya na ang nakaraang fuel subsidy program ay may budget na PHP2.5 bilyon mula sa General Appropriations Act of 2022 at humigit-kumulang 300,000 benepisyaryo.

Sa ngayon, sinabi niyang natapos na ng Landbank of the Philippines (LBP) ang disbursement sa 264,000 benepisyaryo, kasama ang natitirang 50,000 benepisyaryo na makakatanggap ng kanilang subsidy sa loob ng isang linggo. 

LATEST

LATEST

TRENDING