Duque: Mga kaso ng Covid-19 maaaring umabot sa 2,000 araw-araw sa katapusan ng Hulyo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Ang mga impeksyon sa Covid-19 sa Metro Manila ay maaaring umabot sa 2,000 bawat araw sa katapusan ng Hulyo kung patuloy ang mga tao sa hindi pagsunod sa mga public health protocol at kung mananatiling mababa ang booster uptake, ipinahayag ng health chief ng bansa nitong Huwebes.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ito ay batay sa projection ng Australian Tuberculosis Modelling Network (AuTuMN).

Ang mga kaso sa capital region ay maaaring umabot sa pagitan ng 800 at 1,200 sa isang araw sa pagtatapos ng Hunyo, sinabi ni Duque sa isang panayam sa CNN Philippines.

Pero by the end of July, pwedeng umabot ng 1,500 to 2,000 cases daily and after that magpa-plateau siya to below 1,000,” aniya. 

Ipinaliwanag ni Duque na ang projection na ito ay batay sa mga pagpapalagay na kasama ang pagbaba sa pagsunod ng mga tao sa minimum public health standards, mababang paggamit sa mga Covid-19 booster shot, at pagkakaroon ng mabilis na pagkalat ng mga Omicron subvariant.

Pinaalalahanan niya ang publiko na magpabakuna at tumanggap ng boosters kapag kwalipikado.

Mahigit 70 milyong tao ang nakakumpleto ng pagbabakuna laban sa Covid-19. Gayunpaman, 14.7 milyong indibidwal lamang ang nakakuha ng mga booster shot.

Nauna nang sinabi ng Department of Health na ang bansa, lalo na ang Metro Manila, ay nakikitaan ng pagsisimula ng panibagong pagtaas sa Covid-19. Ang capital region, na tahanan ng higit sa 13 milyon, ay nasa ilalim ng pinakamababang antas ng alerto hanggang sa katapusan ng buwan.

Nagpahayag ng kumpiyansa si Duque na kakayanin ng bansa ang panibagong pagdami ng mga kaso.

We’re more agile now. We are more ready. We can manage this,” aniya. “The virus will stay, it will remain. So we just have to manage this so the cases and the transmission are low, not enough to overwhelm and overstretch our healthcare system capacity.

Iniulat ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong Miyerkules na ang malala at kritikal na mga kaso ay binubuo lamang ng humigit-kumulang 11 porsiyento ng kabuuang admission sa buong bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING