Duterte handa maging drug czar ng susunod na admin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Handang magbigay ng payo si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kahalili, si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, ayon sa Malacañang. Ito, matapos imungkahi ni Marcos ang ideya na italaga si Duterte na mamuno sa kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.

Sinabi ni acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na handa si Duterte na tumulong sa papasok na administrasyon, sakaling hihilingin ni Marcos ang kanyang gabay.

Handa na ang Presidenteng mag-retire. On the other hand, sinabi niya rin na kung kailangan ng susunod na Pangulo ng kaniyang advice ay nandoon naman siya para tumulong,” wika niya.

On Thursday, Marcos stated that he was open to tapping Duterte as his drug czar if the outgoing president is willing.

Inilabas ni Marcos ang pahayag habang inihayag niya na si Duterte, sa isa sa kanilang mga pag-uusap bago ang halalan noong Mayo 9, ay humiling sa kanya na ipagpatuloy ang giyera laban sa ilegal na droga.

Hindi pa niya pormal na hinihiling kay Duterte na pangunahan ang paglaban sa iligal na droga sa ilalim ng susunod na administrasyon.

Ayon kay Andanar, hihingi siya ng reaksyon kay Duterte kapag nagkita sila sa Lunes (Mayo 30).

Gusto ko ring malaman kung ano ang magiging reaksyon ni Presidente Duterte. Meron kaming last, full Cabinet meeting ngayon darating na Lunes at siguro mapaguusapan ‘yun doon. Tignan natin,” aniya.

Nauna nang nangako si Marcos na ipagpapatuloy ang drug war at hahabulin ang mga big-time na nagbebenta ng droga.

Batay sa pinakahuling datos ng Real Numbers mula sa Philippine Drug Enforcement Agency, kabuuang 14,888 high-value target ang naaresto noong Marso 2022 mula nang ilunsad ni Duterte ang drug war noong Hulyo 2016.

Ang pagsasagawa ng 233,356 anti-drug operations sa buong bansa ay humantong sa pagkakaaresto ng 336,796 katao at pagkamatay ng 6,241 drug suspects.

LATEST

LATEST

TRENDING