Eksperto: Monkeypox posibleng makapasok sa PH sa pamamagitan ng paglalakbay

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang pagpasok ng bihirang monkeypox virus sa bansa ay posible sa pamamagitan ng mga biyaherong nagdadala ng impeksyon, inihayag ng infectious disease expert nitong Lunes.

Sa isang televised public briefing, sinabi ng miyembro ng Vaccine Experts Panel na si Dr. Rontgene Solante na ang monkeypox, endemic sa mga bahagi ng Central at West Africa, ay nakita sa mga bansang may “high-tech na mga pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan”.

With travel, you know now the possibility of one infection, a person carrying the infection can also travel a lot and can also enter a country that’s where the vulnerability of most population, when one has the infection incubating and then arriving in the Philippines and develop the symptoms upon arrival or after the arrival,” wika niya.

Sinabi ng World Health Organization na kamakailan lamang ay lumitaw ang sakit sa 12 bansa kabilang ang Australia, Belgium, Canada, France, Germany, Italy, Netherlands, Portugal, Spain, Sweden, United Kingdom, at United States of America.

Ayon sa WHO, ito ay sanhi ng monkeypox virus na nakukuha sa mga sugat, likido sa katawan, at mga droplet sa paghinga.

For the monkeypox, the most common human to human route of transmission or mode of transmission is only respiratory droplets so meaning within three feet talking to each other without any face mask that’s the mode of transmission,” wika ni Solante.

Sinabi ni Solante na sa usapin ng transmissibility, ang Covid-19 ay mas madaling naililipat kaysa monkeypox dahil maaari itong kumalat sa maraming paraan.

Aside from the droplets, you also have airborne because of a very small particle, it can remain in the air and you’ll be exposed, that’s another way and there’s also contact transmission,” aniya.

Gayunpaman, mapipigilan ito sa pamamagitan ng mga minimum public health protocols na sinusunod sa panahon ng pandemya ng Covid-19.

Kasama sa mga sintomas nito ang lagnat, matinding pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pananakit ng likod, mababang enerhiya, namamaga na mga lymph node at pantal sa balat o mga sugat.

Sinabi ng WHO na ang pagbabakuna laban sa smallpox ay maaaring makatulong sa paghinto ng paghahatid ng monkeypox virus.

Patuloy na binabantayan ng gobyerno ang pagsiklab ng monkeypox sa ibang bansa ngunit malabo pa rin ang pagsasara ng mga hangganan ng bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING