Duterte nakikiramay sa UAE sa pagkamatay ni Sheikh Khalifa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ipinaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules ang kanyang pakikiramay sa United Arab Emirates (UAE) sa pagpanaw ni pangulong Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan.

Si Sheikh Khalifa, 73, ay namatay noong Mayo 13, matapos makipaglaban sa sakit sa loob ng ilang taon.

“President Rodrigo Roa Duterte extends his deepest condolences to the Government and people of the United Arab Emirates on the passing of His Highness Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan, President of the UAE,” wika ng Office of the President (OP) sa isang press statement.

Ang yumaong pangulo ng UAE ay bihirang makita sa publiko mula nang ma-stroke noong Enero 2014.

Ang half-brother ni Sheikh Khalifa, ang Abu Dhabi Crown Prince na si Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan, ay nahalal bilang bagong pangulo ng UAE.

Sinabi ng Palasyo na personal na ipinarating ng Special Envoy ni Duterte na si Secretary Robert Borje, ang mensahe ng simpatiya ng Chief Executive kay Sheikh Mohammed, na nagsisilbing de facto leader ng UAE bago pinangalanan bilang bagong pinuno ng Middle East nation.

The President conveys the Filipino nation’s solidarity with the UAE in this period of great loss and bereavement,” isinaad ng OP.

Ipinahayag ng Malacañang na pinuri ni Duterte ang pamana ng pamumuno, karunungan at kabutihan ni Sheikh Khalifa.

The President said His Highness Sheikh Khalifa will long be remembered even beyond the UAE for his legacy of leadership, wisdom and benevolence,” wika nito.

Pinuri rin ni Duterte si Sheikh Khalifa bilang isang “matapang na visionary” na ang pamumuno ay mahalaga sa pangmatagalang pagbabago sa pang-ekonomiya ng UAE.

Kinilala rin niya ang mahalagang papel ni Sheikh Khalifa sa pagpapanatili ng “mas malalim” na pakikipag-ugnayan sa internasyonal na komunidad, kabilang ang Pilipinas.

LATEST

LATEST

TRENDING