Comelec handang sundin ang utos ng SC sa petisyon na inihain laban kay Marcos

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nakahanda ang Commission on Elections (Comelec) na sundin ang utos ng Supreme Court (SC) kaugnay ng petisyon na patigilin ang Kongreso, na nakaupo bilang National Board of Canvassers (NBOC), sa pagbibilang ng mga boto ni presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa botohan noong Mayo 9.

The Comelec will always abide by any notice and decision of the highest court of the land,” wika ni Acting Comelec Spokesman John Rex Laudiangco sa isang press briefing noong Martes.

We will await the decision of the Supreme Court on the matter,” dagdag niya.

Tumutugon ang poll body official sa petisyon na inihain ni Fr. Christian Buenafe, bukod sa iba pa, na humihiling din na muling isaalang-alang ang desisyon ng Komisyon na ibasura ang disqualification case laban sa dating senador.

Sa kanyang panig, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na karapatan ng mga petitioner na iangat ang kaso sa High Tribunal.

This is within their rights to seek redress to the High Court of something they believe is a valid justiciable controversy,” aniya.

Dati nang nag-inhibit si Garcia sa lahat ng kaso na kinasasangkutan ni Marcos sa Comelec.

Noong Martes, inihain ng mga petitioner ang kanilang petisyon sa High Court na humihiling na maglabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa Kongreso, na uupo bilang NBOC, at pigilan ito sa pag-canvass ng mga boto para kay Marcos.

Gayundin, hiniling nila sa SC na baligtarin at isantabi ang desisyon ng Comelec en banc, na nauna nang ibinasura ang disqualification cases na inihain laban sa presidential candidate, na nangunguna sa hindi opisyal na canvass ng mga boto sa presidential race.

LATEST

LATEST

TRENDING