Comelec, naghahangad na iproklama ang mga nanalong senador, party-list sa Martes

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang Commission on Elections (Comelec), na nakaupo bilang National Board of Canvassers (NBOC), ay nagbabalak na iproklama ang mga senador at party-list representative sa Martes.

Ayon kay Acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, nakapag-canvass na ang NBOC ng 86.13 porsyento o 149 sa 173 certificates of canvass (COC) noong Sabado, Mayo 14.

We are on track with our timeline. ‘Yan po talaga ang projection namin even that sabi naman po namin sa inyo early next week and Tuesday is still early next week,” wika ni Laudiangco sa isang press briefing.

Aniya, ang mga nanalong kandidato sa pagkasenador ay iproklama bago ang party-list groups.

In order to maintain minimum public health standards, we have to separate po yung proclamations ng senators at party-lists,” dagdag niya.

Ayon kay Laudiangco, pinag-iisipan din nilang ideklara ang “top-tier” party lists, o ang mga sa tingin nila ay hindi maaapektuhan ng mga boto pang ipapadala.

May 24 na COCs — 19 dito ay mula sa foreign service posts — ang natitira pang i-canvass, aniya.

Sinabi ni Laudiangco na hindi bababa sa anim sa mga ito — India, Laos, Pakistan, Hungary, Poland, at Chile — ang ma-canvass kapag ipinagpatuloy ng NBOC ang canvassing nito sa Linggo ng hapon.

We’re still awaiting the overseas COCs of Bangladesh, Myanmar, Timor-Leste, the Czech Republic, Denmark, Norway, Vatican, Iran, Kenya, Nigeria, South Africa, Syria, and Mexico,” aniya.

Samantala, sinabi niya na ang canvassing ng mga boto para sa mga kandidato sa presidente at bise-presidente ay isasagawa sa oras na ipagpatuloy ang sesyon ng Kongreso sa Mayo 23.

LATEST

LATEST

TRENDING