PNP sa mga nagpoprotesta: Igalang ang resulta ng halalan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Hinimok ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes ang taong nagpaplanong magprotesta sa resulta ng halalan na igalang ang desisyon ng nakararami at payagan ang mapayapang paglipat sa susunod na administrasyon.

Umapela si PNP officer in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. habang inutusan niya ang mga pulis na sundin ang maximum tolerance sa pagharap sa mga nagpoprotesta.

We understand the sentiment of the supporters and respect the citizens’ right to self-expression. However we are appealing to concerned groups to refrain from engaging in activities that can instigate and disrupt peace and order in the community,” wika ni Danao sa isang pahayag.

Pinuna ng mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo ang resulta ng halalan na pumapabor kay presumptive president Ferdinand Marcos Jr. Nagsagawa ng pagpoprotesta ang ilan sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila.

Pinaalalahanan ni Danao ang mga nagpoprotesta na sundin ang safe at health protocols sa gitna ng pandemya.

Tiniyak niya na sinisiyasat ng PNP ang karahasan na may kaugnayan sa halalan na naidokumento nito.

Sa Laging Handa briefing kahapon, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na may mga hakbang na pangseguridad bilang tugon sa mga protest rallies na pinaplano ng ilang grupo.

Kabilang sa mga hakbang na ito ay ang deployment ng mga pulis sa Philippine International Convention Center kung saan isinasagawa ang canvassing ng mga boto.

Hinimok ni Fajardo ang mga rally organizers na makipag-ugnayan sa pulisya upang maibigay din ng PNP ang kinakailangang seguridad.

Hiniling ni Maj. Gen. Valeriano de Leon, directorate for operations director ng PNP, sa mga tao na igalang ang Comelec at ang mga resulta ng halalan, at idiniin na magdurusa ang bansa kung ang mga paratang ng pandaraya sa halalan nang walang ebidensya ay kumalat.

LATEST

LATEST

TRENDING