China binabati sina Marcos, Duterte sa pangunguna sa halalan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA — Binati ng China si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang kanyang running mate, si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, sa kanilang malawakang pangunguna sa presidential at vice presidential election.

China congratulates the Philippines on the smooth presidential election. Our congratulations also go to the leading candidates,” wika ni foreign ministry spokesperson Zhao Lijian nitong Miyerkules.

Naging malapit si Marcos sa China, dahil sa pagtatatag ng diplomatikong relasyon ng kanyang ama sa bansa noong 1975.

Ang mga naunang pahayag ni Marcos ay nagpapahiwatig na itutuloy niya ang mga patakaran ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China — na nakikitang masyadong malambot ng mga kritiko — kabilang ang bilateral talks sa Asian giant sa West Philippine Sea.

Samantala, sinabi ng matagal nang kaalyado ng Pilipinas, ang Estados Unidos, na umaasa silang makatrabaho ang president-elect at vice president-elect.

We look forward to working with the president-elect, once that person is officially named, to strengthen the enduring alliance between the United States and the Philippines,” wika ni State Department spokesperson Ned Price.

Sa isang komentaryo, sinabi ng Fitch Solutions na malamang na ipagpatuloy ni Marcos ang mga pang-ekonomiyang interes ng bansa at ipanatili ang isang maselan na pagkilos sa pagbabalanse sa US at China.

Samantala, binati naman ng Japan at Australia at regional bloc European Union ang Pilipinas sa pagsasagawa ng mapayapang halalan.

LATEST

LATEST

TRENDING