Bongbong Marcos nangunguna pa rin sa April survey ng Pulse Asia

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Eksaktong isang linggo bago ang halalan sa Mayo 9, si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay nananatiling nangunguna sa mga kandidato sa pagkapangulo sa pinakabagong survey ng Pulse Asia.

Batay sa survey mula Abril 16 hanggang 21, 2022, nakuha ni Marcos ang boto ng 56 porsyento ng mga respondent, na kaparehong rating na nakuha niya mula sa survey noong Marso.

Kasunod si Vice President Leni Robredo na may 23 porsyento, bumaba ng 1 porsyento mula sa nakaraang survey.

Nasungkit ni Senador Manny Pacquiao ang ikatlong puwesto mula kay Manila Mayor Isko Moreno. Sila ay nakakuha ng 7 porsyento at 4 na porsyento sa pinakahuling survey.

Samantala, si Senador Panfilo Lacson ay suportado ng 2 porsiyento ng mga respondent at nanatili sa ikalimang puwesto.

LATEST

LATEST

TRENDING