BOC nasamsam ang fake items, unregistered health products na nagkakahalaga ng P280-M

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Iniulat ng Bureau of Customs (BOC) nitong Lunes ang pagkakasamsam ng mga pekeng luxury brand items at hindi rehistradong health products na aabot sa halos PHP300 milyon sa Las Piñas at Maynila.

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na ang magkasanib na operasyon ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS)-Manila International Container Port, at National Bureau of Investigation (NBI)-Special Action Unit inside Perpetual Village, Las Piñas City noong Biyernes ay nagbunga ng humigit-kumulang PHP250 milyon ng mga smuggled fake luxury items.

Ayon kay CIIS Director Jeoffrey Tacio, lumalabag sa intellectual property rights (IPR) ang mga nakumpiskang damit, tulad ng shorts, pantalon, t-shirt, polo shirt, at baby apparel, at bote ng pabango.

This operation was not going to be possible without the cooperation from all of our partner agencies. We have been working hard on trying to stop these infringed items from getting into our markets, fooling consumers, and turning us into a replica capital,” aniya sa isang pahayag.

Sa kabilang banda, nasamsam ng CIIS-IPR Division ang mga smuggled counterfeit at hindi rehistradong produktong pangkalusugan na may tinatayang halagang PHP31.5 milyon sa dalawang magkahiwalay na operasyon noong Abril 19 sa Sta. Cruz, Maynila.

Armado ng Letters of Authority, ang implementing team na binubuo ng mga tauhan mula sa Port of Manila, NBI-National Capital Region, at Armed Forces of the Philippines ay nag-inspeksyon sa mga bodega na matatagpuan sa kahabaan ng Ongpin at Fernandez Streets.

LATEST

LATEST

TRENDING