PhilHealth patuloy na nagbabayad sa mga ospital sa pamamagitan ng debit-credit method

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay patuloy na nagbabayad ng mga claim sa mga ospital, ayon sa isang opisyal.

Sa ipinalabas ng Laging Handa public briefing, sinabi ng PhilHealth Vice President for Corporate Affairs Dr. Shirley Domingo na ang kanilang mga rehiyonal na tanggapan ay nakikipag-ugnayan sa mga ospital para sa pagbabayad ng kanilang claim.

They are doing reconciliation meetings. Nagbayad po tayo ng tinatawag na DCPM [Debit-Credit Payment Method]. So, naka-DCPM releases na tayo, siguro mga tatlong types of DCPM – DCPM 1, ini-extend natin iyong one, and then, two and three,” wika ni Domingo.

Sa kanilang Circular 2021-0004, ginagamit ng PhilHealth ang DCPM para mapadali ang pag-aayos ng mga account na babayaran sa mga pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan sa panahon ng State of Public Health Emergency na dulot ng pandemya ng Covid-19.

Una nang inilapat ng PhilHealth ang DCPM sa mga lugar na tinukoy ng Inter Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases at National Task Force Against Covid-19, partikular sa National Capital Region, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal.

Tungkol naman sa imbestigasyon sa mga ospital sa Northern Mindanao, nilinaw ni Domingo na walang ganitong pangyayari kamakailan.

That statement or that news came out, when actually nagkaroon ng MOA [memorandum of agreement] signing ang ating regional office noon at saka NBI [National Bureau of Investigation] para i-train ng NBI iyong ating regional personnel on fraud management or investigation. So iyon po talaga, MOA signing po iyon,” aniya.

Binigyang-diin niya ang pagsuspinde sa mga ospital na nangyari ilang taon na ang nakakaraan nang magsimula ang korporasyon sa mga pagsisiyasat nito.

“Iyong mga hospitals na-suspend iyon dati pa at saka iyong sinasabing revoked ay actually, isa lang ang galing doon sa region na iyan, the rest were mga five iyon nationwide. Pero ever since, matagal na po iyon, hindi iyan current,” wika niya

LATEST

LATEST

TRENDING