Ekonomiya ng PH dapat lumago ng 6% para mabawasan ang utang na may kaugnayan sa pandemya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang ekonomiya ng Pilipinas ay kailangang lumago nang mas mabilis kaysa sa pre-pandemic level nito na humigit-kumulang 6 na porsiyento para mabawasan ng gobyerno ang utang na natamo dahil sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Sa isang panayam sa telebisyon ng Bloomberg noong Huwebes, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na walang isyu tungkol sa pagbabayad ng utang na natamo sa panahon ng pandemya dahil ang mga ito ay may paborableng mga rate ng interes at termino, na humigit-kumulang 40 taon.

We’re not worried about the repayment. We have to really grow out of the debt. In other words, expand our economy by better than 6 percent per year, over the next five or six years,” wika niya.

Ayon sa Department of Finance (DOF), nakaipon ito ng humigit-kumulang USD22.55 bilyon sa budgetary support financing mula sa Asian Development Bank (ADB), World Bank (WB), Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), bukod sa iba pa, at USD3.25 bilyon sa mga grant at loan financing para sa mga proyekto at programa na naka-target upang tugunan ang krisis na dulot ng virus.

Itinakda ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang target na gross domestic product (GDP) para sa taong ito sa pagitan ng 7 hanggang 9 porsiyento, habang nasa pagitan ito ng 6 hanggang 7 porsiyento para sa 2023-2024.

Sinabi ni Dominguez na ang dami ng mga utang na naipon dahil sa pandemya ay mauunawaan dahil sa pangangailangan na palakasin ang financing sa gitna ng pagbaba ng mga kita dahil sa mga lockdown.

So the next administration will have to design policies and stick to very strict fiscal discipline to grow out of debt,” wika niya.

Gayunpaman, sinabi ni Dominguez na “lahat ay nakaposisyon sa Pilipinas upang makamit iyon”, na binanggit ang recovery ng domestic economy, na nalampasan ang 5.5-porsiyento na target ng gobyerno para sa 2021 matapos itong lumaki ng 5.7 porsyento.

Idinagdag niya na ang mga panganib para sa taong ito ay kasama ang epekto ng digmaang Ukraine-Russia.

Ayon kay Dominguez, habang hindi direktang apektado ng giyera ang Pilipinas, apektado naman ito ng pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin sa international market.

LATEST

LATEST

TRENDING