Duterte: ‘Delikado’ kung mahalal ang 2022 bets na kaalyado ng CPP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Nagbabala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Martes na “delikado” kung ang mga kandidato para sa halalan sa Mayo 9, 2022 na kaalyado sa kilusang komunista ay mahalal sa pampublikong tungkulin.

“Delikado iyan kasi pag nandiyan na, kung manalo man sila,” wika ni Duterte sa joint meeting ng National Task Force (NTF) at Regional Task Force (RTF) to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) sa Butuan City.

Inilabas ni Duterte ang pahayag, dahil inulit niyang may mga party-list group na nakikipagsabwatan sa Communist Party of the Philippines (CPP).

“Itong party-lists, unahin ko lang paved the way for the communists,” aniya. “Komunista ‘yan – entered sa backdoor, sa portals of government, then to win a few seats there. And ‘pag nandiyan na sila, walang ginawa ‘yan except to criticize government.

Nauna nang ibinunyag ni Duterte na nagawang makalusot ng kilusang komunista sa iba’t ibang political party.

Sa kanyang mga nakaraang talumpati, inulit din ni Duterte ang kanyang babala sa mga botanteng Pilipino laban sa Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, Alliance of Concerned Teachers, at Gabriela party-list groups, o ang tinatawag na “KABAG” na nagsisilbing legal front ng CPP.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na ang pahayag ni Duterte laban sa KABAG party-lists ay base sa intelligence report.

Sa pinagsamang pagpupulong ng NTF-RTF ELCAC, sinabi ni Duterte na “walang valid na dahilan” ang komunistang grupo para maghasik ng poot laban sa gobyerno.

Sinabi niya na hindi pa rin siya masigasig na mag-endorso ng isang kandidato sa pagkapangulo, maliban kung nakikita niya ang isang “mabigat na dahilan” upang gawin ito.

Duterte raised the possibility that the supposed coalition between the 2022 election candidates and the CPP might compel him to endorse a presidential aspirant.

“‘Yung iba, nakapasok na rin ang mga komunista [sa gobyerno]. Sabi ko noon I will not support any presidential candidate. But if there is a compelling reason to campaign or to endorse a particular candidate kasi ayaw ko ‘yung — not because of personal, wala ‘yung mga ano except that ayaw ko yung mga komunista maghalo sa kanila ngayon,” aniya.

Nangako rin si Duterte na gagamitin ang kanyang natitirang mga araw sa panunungkulan para tugunan ang mga problema sa insurgency para magdala ng kapayapaan at kaunlaran sa bansa.

The three remaining months of my administration are very crucial as we continue to address the country’s problems that have long been affecting the lives of our citizens. The completion of my commitments towards achieving peace, progress, and prosperity remains critical as my term comes to a close,” wika niya.

Pinuri ni Duterte ang walang humpay na pagsisikap ng NTF at RTF ELCAC na ituloy ang isang holistic at whole-of-nation approach sa pagresolba ng komunistang insurhensyo.

Accessibility to reform and welfare programs is imperative – it should be our imperative – to help end the decades-long insurgency problem that has curtailed development in the countryside,” aniya.

Muli ring iginiit ni Duterte ang kanyang panawagan sa mga local government units na pagsamahin ang kanilang pagsisikap na gawing “mas malakas at mas mapayapang bansa” ang Pilipinas.

Ang CPP-New People’s Army (NPA) ay nakalista bilang isang teroristang grupo sa United States, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, at Pilipinas.

Pormal ding itinalaga ng Anti-Terrorism Council ang political wing ng CPP-NPA, National Democratic Front, bilang isang teroristang organisasyon noong Hunyo 23, 2021, na binanggit ito bilang “isang integral at hindi mapaghihiwalay na bahagi” ng CPP-NPA na nilikha noong Abril 1973.

LATEST

LATEST

TRENDING