DOH: Kaso ng dengue tumaas sa 4 na rehiyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

MANILA – Ang pagtaas ng kaso ng dengue ay nakita sa Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, Western Visayas, at Davao regions, ayon sa isang health official noong Martes.

Sa isang online media forum, nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mga partikular na lugar at probinsya lamang ang naapektuhan ng pagtaas ng kaso ng dengue at hindi ang buong apat na rehiyon.

“Dun sa Zamboanga City, dun natin nakita lumagpas sa epidemic threshold ‘yung bilang ng mga kaso. That’s why the local government declared an outbreak,” wika niya.

Gayunpaman, ang lingguhang naiulat na mga kaso ngayong 2022 ay mas mababa pa rin kaysa sa “mga kaso na mayroon tayo noong 2021 sa buong bansa.”

“Nag-uulan na po so kailangan na masusing linisin ang mga backyard natin, ang ating mga tahanan, public spaces para mawala itong aedes aegypti o ‘yung lamok na nakaka-cause ng dengue,” aniya.

Upang tulungan ang mga pasyenteng may dengue, ang Department of Health ay nag-activate ng mga Fast Lane sa mga ospital, nag-preposisyon ng logistical para sa mga pangangailangan ng rehiyonal at lokal na pamahalaan, tulad ng mga kemikal na ginagamit upang maiwasan ang pagkalat ng mga lamok na ito, at pinayuhan ang mga lokal na pamahalaan tungkol sa 4S strategy.

Ang 4S strategy ay tumutukoy sa paghahanap at pagsira sa mga mosquito-breeding site; mga self-protection measure; maagang pagkonsulta ng mga sintomas; at support spraying o fogging upang maiwasan ang karagdagang paglaganap.

LATEST

LATEST

TRENDING